PDP-Laban ‘pipilitin’ si Digong tumakbong VP sa 2022; pumili ng presidente

KUKUMBINSIHIN ng administration party na PDP-Laban si Pangulong Duterte na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.



Ito ay base sa resolution na inaprubahan Lunes ng hapon sa isinagawang council meeting ng partido sa Cebu.



Sa nasabing resolusyon, hihikayatin din ng partido ang pangulo na pumili ng kanyang magiging presidential running mate.


May 150 miyembro ng partido ang dumalo sa pagtitipon na ginawa sa Cebu.

Hindi ito dinaluhan ng acting national president na si Senador Manny Pacquiao.



Matatandaan na nagkaroon ng sigalot sa pagitan nina Pacquiao at sa vice chairman ng partido na si Energy Secretary Alfonso Cusi.

Hindi rin dumalo si Duterte sa pulong dahil sa puno na umano ang schedule into ngayong Lunes, ayon sa spokesman nito na si Harry Roque.

Una nang sinabi ni Duterte na hinihintay na laming niya ang mensahe ng Diyos kung tatakbo siya sa 2022 elections.