PDP-Laban inanunsyo pambato sa 2025 elections

INILABAS na ng PDP Laban ang listahan ng mga pambato nito sa darating na senatorial elections sa 2025 sa isinagawang national assembly nitong Biyernes sa Davao City.

Kabilang sa mga tatakbo sa ilalim ng partido ay ang mga reelectionists na sina Senador Bong Go at Bato dela Rosa.

Kasama rin sa senatorial lineup ng partido ay ang aktor na si Philip Salvador.

Si Senador Robin Padilla naman ang kanilang campaign manager.

Dinaluhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at anak nitong si Davao City Mayor Sebastian Duterte ang pagtitipon.