PCOO: Wala kaming trolls

TODO-TANGGI si Presidential Communications Operations Office Undersecretary Kris Ablan na nagpapasahod sila ng mga “trolls” makaraang madiskubre na nag-hire ito ng 375 na contractual employees noong nakaraang taon.


Giit ni Ablan, pawang mga “highly technical” personnel ang kinuha nila gaya ng mga videographer, editor, director at “social media specialists.”


“Social media specialists (do) not equate to trolls,” paliwanag niya.


“The social media specialists in the COA report are actually our graphic artists who upload our socmed cards, our infographics explaining our programs on PhilSys, Covid-19 response and the vaccines,” dagdag ng opisyal.


“They don’t do what we normally understand what a troll does. It’s not under the PCOO,” hirit pa niya.


Sa taunang ulat, sinabi ng Commission on Audit na nagkaroon nang walang habas na hiring ang PCOO na nagkakahalaga ng P70.6 milyon na kontrata


Dagdag ng COA, 70 porsyento ng mga empleyado ng PCOO ay contractual.
Mayroong 144 regular personnel ang tanggapan noong 2020.