Partido ni Pacman susuportahan si Sara?



INIHAYAG ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na maaaring suportahan ng ruling PDP-Laban ang kandidatura sa pagkapangulo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kahit hindi ito miyembro ng partido.


Sa isang panayam, sinabi ni Nograles na hindi bihira na suportahan ng isang partido ang kandidato mula sa ibang partido.


Aniya, pwedeng “ampunin” ng PDP-Laban si Duterte-Carpio kung iyon ang magiging desisyon ng partido.


“She’s not required to join the party,” dagdag ng opisyal.


Si Duterte-Carpio ang chairman ng partidong Hugpong ng Pagbabago.


Sakaling suportahan ng PDP-Laban ang pagtakbo ni Duterte-Carpio sa pagkapangulo, tiyak na mae-etsapuwera si Sen. Manny Pacquiao.


Malakas ang bulung-bulungan na tinarget din ni Pacquiao ang puwesto ng pangulo sa susunod na halalan.


Si Pacquiao ang acting-president ng PDP Laban.