IMBES na palayasin mula sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) gaya ng nais ng mga senador, mananatili rito bilang spokesperson sina Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. at Undersecretary Lorraine Badoy.
Dinagdagan din NTF-ELCAC vice chairperson and National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ng anim pang tagapagsalita ang task force para paigtingin umano ang kampanya ng administrasyon laban sa mga makakaliwang grupo sa bansa.
Kabilang sa mga idinagdag sina Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya, Presidential Human Rights Committee Secretariat Undersecretary Severo Catura, Presidential Task Force on Media Security executive director Joel Egco, Metropolitan Manila Development Authority spokesperson Celine Pialago, Atty. Marlon Bosantog, at Gaye Florendo.
“The CPP-NPA is a multifaceted, multilayered [organization]. Just like the NPA, we have to cover everything,” ani Esperon nang tanungin kung bakit kailangang magdagdag ng tauhan sa NTF-ELCAC.