Parlade, Badoy hindi sisibakin

INANUNSYO ngayong araw ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na hindi tatanggalin sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sina Lt. Gen. Antonio Parlade at Undersecretary Lorraine Badoy.


Sa kabila nito, sinabi ni Esperon na rerepasuhin niya ang isyu ng mga mambabatas laban kina Parlade at Badoy.


“For now General Parlade and Usec. Badoy remain in their positions, but we will have a review within the week. We will see the options available to us. We are not insensitive to the sentiments of our supporters in Congress. We will look into that,” ayon sa opisyal.


Nag-ugat ang panawagan na sibakin sa puwesto ang dalawang opisyal at tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC makaraan nilang i-redtag umano ang mga pasimuno ng community pantries. Tinawag din ni Parlade na “stupid” ang ilang senador na nais alisan ng budget ang task force.