SINABI ni Pangulong Bongbong Marcos na nagpatulong siya sa Indonesia para matiyak na hindi na mag-iimport ang Pilipinas ng galunggong.
“Pati ‘yung galunggon, nagpatulong ako sa fisheries, kasi obsessed ako doon sa Pilipinas nag-iimport ng galunggong eh. Hindi ko talaga matanggap ‘yan eh,” sabi ni Marcos sa panayam sa mga reporters Lunes ng gabi.
Idinagdag ni Marcos na magpapalitan ng delegasyon ang dalawang bansa para maturuan ang mga kinatawan ng Pilipinas para mapalago ang pangisdaan sa bansa.
“So I asked for help because matibay ang fisheries nila. So sabi ko we can exchange delegations. That I think we can – those are the things, especially on the agricultural sector, are going to happen in the very short term,” aniya.