INIHAIN ng Makabayan bloc sa Kamara ang House Bill Number 6560 o National Minimum Salary in Government na naglalayong itakda sa P33,000 ang minimum na sweldo ng mga kawani ng pamahalaan.
Sinabi nina ACT Teachers party-list Rep. France Castro at Kabataan party-List rep. Raoul Manuel na napapanahon na para itaas ang sahod ng mga empleyado ng pamahalaan sa harap ng patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa.
“Amid the record-high inflation rate, government employees are in dire need of an increase in their salaries to be able to provide decent lives for their families. The current family living wage is at P1,133 according to the IBON Foundation, increasing the minimum salaries of entry-level government employees to P33,000 is urgent and necessary,” sabi ng explanatory note ng panukala.
Isinusulong din ng Makabayan bloc ang House Bill 4898 na naglalayong i-abolish ang mga regional wage boards.
Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na sa ilalim ng panukalang batas, ang minimum wage ay itatakda sa pamamagitan ng batas o sa executive issuance ng pangulo.
“The national minimum wage must approximate, if not equal, the prevailing family living wage (FLW). Currently, inflation-adjusted FLW stands at P1,117 per day for a family of five. Malayong malayo ito sa P570 dito pa lamang sa National Capital Region,” sabi ni Brosas.