Pamilya Singson bati-bati na: Chavit umatras sa anak

BLOOD is sticker than water.

Ganito ang pinatunayan ng pamilya Singson matapos mag-withdraw si Narvacan mayor Luis “Chavit” Singson sa kanyang kandidatura bilang vice governor ng Ilocos Sur na tinatakbuhan din ng kanyang anak na si incumbent Governor Ryan Singson.

Dahil nag-withdraw si Chavit, tanging si Ryan na lamang ang kandidato sa nasabing posisyon.

Samantala ang misis naman ni Ryan na si Patch Savellano-Singson na nauna na ring nag-file ng kandidatura bilang gobernador ng lalawigan ay sinasabing aatras na rin, dahilan para maging unopposed ang kapatid ng kanyang mister na si Jerry Singson.

Ayon kay Chavit, nagdesisyon siya na umatras na lamang para hindi magkawatak-watak ang kanyang pamilya.