ILIPAT man ng administrasyong Marcos ang araw ng paggunita ng kamatayan ni Ninoy Aquino ay hindi pa rin magbabago ang katotohanan na namatay ito para sa bayan.
Ito ang naging pahayag ng pamilya Aquino matapos mag-isyu ng Proklamasyon ang Malacanang na iniuurong ang Agosto 21 na Ninoy Aquino Day sa Biyernes, Agosto 23, upang mai-promote ang domestic tourism sa bansa.
“Moving a day of commemoration will not diminish the fact that Ninoy died fighting for the country and the people he so loved and his death sparked a revolution that ended Marcos Sr.’s authoritarian rule,” ayon sa pamilya.
Naniniwala naman ang ibang grupo na isang uri na naman ito ng historical revisionism.
Sa isang kalatas, sinabi naman ng EDSA Campaign Network, ang ginawang direktiba ni Marcos ay maaaring magbigay ng kalituhan sa marami.
“The assassination of Sen. Ninoy Aquino was the spark that united the Filipino people, which led to the downfall of the failed regime of Marcos Sr. It’s not surprising that his son would want this to be forgotten, especially now,” ayon sa grupo.
“Holiday or not, the people will continue to observe the spirit of Aug. 21,” dagdag nito.
Nauna na ring nagpahayag ng kanyang pagkadismaya si Liberal Party president at Albay Rep. Edcel Lagman.
Kinuwestyon niya rin ang desisyon ni Marcos na iurong ang paggunita sa Aquino Day.
Isa anyang paglabag ito sa batas.
Anya, bagamat pinapayagan ang pag-urong sa holiday, ang proklamasyon ay dapat isagawa anim na buwan bago ang naturang holiday.