Palitan ng piso sa dolyar umabot muna sa P59.98; nagsara sa P59

UMABOT sa P59.98 ang palitan ng piso sa dolyar bago ito tuluyang magsara sa P59 ngayong Lunes.

Nagbukas ang kalakalan sa P58.98 at umabot naman ang pinakamataas na halaga nito sa P58.95.

Pinangangambahang magtutuloy-tuloy pa ang pagbaba ng halaga ng piso kontra sa dolyar kung saan ayon sa mga eksperto posibleng umabot sa P60 hanggang P65 kada dolyar.