Palasyo: VP Sara ‘not relevant’ to NSC

SINIBAK bilang miyembro ng National Security Council (NSC) si Vice President Sara Duterte dahil sa hindi na ito “relevant” sa mga gawain at responsibilidad ng ahensya.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order 81, na may petsang Dis. 30, 2024, para i-reorganize at streamline ang NSC.

“At the moment, the VP is not considered relevant to the responsibilities of membership in the NSC. Nonetheless, when the need arises, the EO reserves to the President the power to add members or advisers,” mensahe ni Bersamin nang matanong kung bakit tinanggal si Duterte bilang miyembro ng NSC.