INAMIN ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may lapses sa gera ng gobyerno kontra droga matapos ang ulat ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng 52 napatay na pinaghihinalaang sangkot sa droga.
“Well, I think like any other government program, we cannot claim to be perfect. Pero ang sinasabi natin, huwag naman iyong gawain ng ilang mga bugok ay maapektuhan iyong buong programa,” giit ni Roque.
Idinagdag ni Roque na nagpapatunay ang report ng DOJ na ginagampanan ng pamahalaan ang obligasyon nito bilang estado.
“Kapag mayroon pong napatay ay iimbestigahan, lilitisin at paparusahan ang mga pumapatay. So, nothing is perfect and itong findings ng DOJ proves that the Philippines nga po is undertaking and performing its obligation in so far as the right to life is concerned,” aniya.