Palasyo sa Lacson-Sotto tandem: Best wishes

IKINAGALAK ng Malacañang ang desisyon nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senator Panfilo Lacson na sumabak sa susunod na eleksyon.


Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, pabor sa mga botante ang tandem nina Sotto at Lacson dahil mas marami ang pagpipilian.


“We wish them the very best. Because in a democracy, kinakailangan mayroong pagpipilian ang taumbayan,” ani Roque.


Napag-alaman na nag-iikot na dalawa sa ilang mga lugar sa bansa bilang paghahanda sa kanilang pagtakbo. –WC