Palasyo: Duterte nag-iisang chairman ng PDP-Laban

IGINIIT ng Malacañang na nananatiling chairman ng ruling PDP-Laban si Pangulong Duterte matapos itong “patalsikin” ng kampo ni Sen. Manny Pacquio at iluklok si Sen. Koko Pimentel bilang bagong pinuno.


“In the point of view of the President, he remains chairman,” sabi ni presidential spokesperson Harry Roque.


Dagdag ni Roque, inaasahan ng Palasyo na papanigan ng Korte Suprema ang paksyon ng Pangulo sakaling idulog dito ang isyu nina Pacquiao at Pimentel.


Inihayag ng paksyon nina Pimentel at Pacquiao noong Linggo ang pagkakahirang muli kay Pacquiao bilang presidente ng partido.


Tinawanan lamang ng kampo ni PDP Laban president Alfonso Cusi ang naging aksyon ng kalabang grupo. –WC