DUMISTANSIYA ang Palasyo sa kaso ni Pastor Apollo Quiboloy matapos umamin ang isang paralegal sa Los Angeles na nakipagsabwatan siya sa mga opisyal ng Kingdom of Jesus Christ sa pandudoktor ng mga dokumento.
“We reiterate that Pastor Apollo Quiboloy of the Kingdom of Jesus Christ is a private individual. As such, he can defend himself in court in light of Maria de Leon’s recent action,” sabi ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar.
Nauna nang nagpasok ng guilty plea si United States District Court si Maria De Leon, 73, residente ng Koreatown neighborhood of Los Angeles at may ari ng Liberty Legal Document Services, na nakipagsabwatan siya sa Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name (KOJC) sa loob ng walong taon para sa marriage at visa fraud ng mga lider ng KOJC.