Palasyo dedma sa ‘pasabog’ ni Trillanes

LUMANG tugtugin na ang isyu ng P6.6 bilyong plunder na ibinabato ni dating Sen. Antonio Trillanes IV kina Pangulong Duterte at Sen. Christopher “Bong” Go, ayon sa Malacañang.


“Ito naman po kasing si dating Senador Trillanes, lumang tugtugin na po iyan. Ibinato na niya iyan kay Presidente, kay Senator Bong Go. Hindi pa senador si Senator Bong Go, wala naman siyang napatunayan noong siya ay nakaupo pa sa Senado,” sabi ni Roque.


Kasabay nito, hinamon ni Roque si Trillanes na magsampa ng kaso laban kina Duterte at Go.


“At bakit pa siya maghihintay ng pagkatapos ng termino? Isampa na po niya ngayon,” ayon pa sa opisyal. –WC