Pagtanggal sa licensure exams di bet ni VP Leni

TUTOL si Vice President Leni Robredo na alisin ang licensure examinations.


Ani Robredo, may layunin ang Bar at board examinations.


“Ang exams naman, hindi naman ito ‘yung walang purpose. Ang purpose nito ay para i-test kung pumasa ka sa standards ng profession mo. Hindi siya pwedeng tatanggalin mo lang,” paliwanag ni Robredo.


“(Kung) ayaw mo na magkaroon ng professional exams later on, kailangan i-overhaul mo ang buong education system na nagpo-produce noon,” dagdag niya.


Matatandaang kinuwestiyon ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang halaga ng mga licensure exams, partikular ang Bar exams para sa mga abogado.


“Dapat alisin na ang mga board exam sa mga engineer, board exam sa dentistry, Bar exam. Eight years ka nang nag-aaral para maging abogado, pumasa ka na sa lahat ng exam, kukuha ka pa ng Bar?” ani Bello.


“Kagaya sa Bar, why don’t we do away with Bar? Tutal ‘yung estudyante may four years pre-law, four years proper. Dadaan ka sa rigorous scrutiny, tapos dadaan ka pa sa Bar,” dagdag niya. –A. Mae Rodriguez