IGINIIT ni presidential spokesperson Harry Roque na walang lalabaging batas sakaling tumakbo si Pangulong Duterte bilang bise presidente sa eleksyon sa 2022.
“Well, nagturo rin naman po tayo ng Constitutional Law kasama ang International Law sa UP nang mahigit 15 taon at mayroon po tayong constitutional construction rule na what is not prohibited is allowed,” sabi ni Roque.
Aniya, walang nakalagay sa Salitang Batas na bawal tumakbo bilang bise presidente ang dating pangulo.
“Kung pinagbabawal po ang Presidente na tumakbo ng VP, dapat sinulat po iyan ‘no, nagkaroon ng teksto sa ating Saligang Batas na nagpapabawal diyan. Pero since wala pong prohibisyon, it must be allowed,” giit ni Roque. –WC