ISINULONG ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang pagpasa sa panukalang batas na nagdedeklara sa Enero 22 bilang National Farmers Day na itatapat sa paggunita sa Mendiola Massacre.
Nauna nang inihain ng Makabayan bloc sa Kamara ang House Bill 1112 kaugnay ng panukalang National Farmers Day.
Ayon sa KMP ang Enero 22 ay magsisilbing paggunita sa mga magsasakang naging biktima survivor ng Mendiola Massacre na naganap noong 1987.
Idinagdag ng KMP na 36 taon makalipas ang masaker ay wala pa ring nakukuhang katarungan ang mga magsasaka.