TINANGGAP ni Pangulong Duterte ang pagibibitiw ni Nayong Pilipino Foundation executive director Lucille Karen Malilong-Isberto.
Kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na inaprubahan ni Duterte ang resignation letter ni Malilong-Isberto sa gitna ng mga kobtrobersya kaugnay sa pagtatayo ng mega vaccination center sa state-run park sa Parañaque City.
“It was a resignation that was submitted to the President and the President accepted it. It was as simple as that,” sabi ni Nogreales.
Matatandaang tinutulan ni Malilong-Isberto ang paglalagay ng vaccination site sa pasilidad ng Nayong Pilipino dahil masisira umano ang daan-daang puno ng ipil-ipil doon.