‘Pag di kayo tumigil, huhukayin ko yang tatay n’yo’

PRANGKANG sinabihan umano ni Vice President Sara Duterte si Senador Imee Marcos na tigilan na ang kababanat sa kanya kung hindi ay huhukayin nito ang bangkay ng ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos

“Hindi ko alam. Pero isang beses, sinabihan ko talaga si Sen. Imee. Sabi ko sa kanya, kung hindi kayo tumigil, huhukayin ko ‘yang tatay ninyo, itatapon ko siya sa West Philippines Sea,” ayon kay Duterte sa isinagawang press conference nitong Biyernes.

Inusisa si Duterte kung naniniwala ba itong nakalimutan na ng mga Marcos na ang kanyang tatay na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang siyang nagbigay daan para mailibing ang matandang Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sinabi anya niya ito kay Imee sa isang group chat at hindi na umano niya matandaan kung sumagot dito ang senador.