NANINIWALA ang isang political analyst na itutuloy ni Senador Manny Pacquiao ang pagtakbo nito sa 2022 presidential elections.
Sa isang panayam sa DZMM, sinabi ni University of the Philippines (UP) Department of Political Science Professor Aries Arugay na ang mga pag-atake ni Pacquiao kay Pangulong Duterte ay indikasyon na handa na siyang magdeklara ng kanyang kandidatura.
“I watched Senator Pacquiao’s interview with Tina Monzon-Palma. I believe, there is a very high percentage that he is running if you will hear his comments. Senator Pacquiao is saying he is ready to serve the country,” sabi ni Arugay.
Idinagdag ni Arugay na hindi naman ito magandang balita para sa administrasyon, sa pagsasabing tiyak na mahahati ang boto ng mga taga-administrasyon.
“This will be bad news for the administration as a Pambansang Kamao, Pacquaio has his own followings, which is not good for the administration,” dagdag pa ni Arugay.