Pacquiao tatakbong pangulo kahit hindi sa PDP-Laban

HANDA pa ring tumakbo bilang pangulo si Senador Manny Pacquiao kahit bilang isand independent sakaling hindi paboran ng Commission on Elections (Comelec) ang paksyon ng PDP-Laban na kanyang pinamumunuan.

Ito ang sinabi nitong Lunes ni Ron Munsayac, executive director ng Pacquio-wing ng PDP-Laban.

Sinabi ni Musayac na kahit maraming grupo ang gustong mag-adopt kay Pacquiao, nangako ang senador na mananatili itong tapat sa PDP-Laban kahit na ano pang magiging kahinatnan ng labanan ng dalawang paksyon sa partido.

“Sen. Manny vowed not to leave the party because he is a firm believer of the principles of the party. He also saw the support the party members has given him. So, he said he will not leave PDP no matter what the consequences are,” ayon kay Munsayac.

Mas nanaisin umano ni Pacquiao na tumakbo na lamang bilang independent kung hindi papaboran ng Comelec ang kanilang paksyon.

“The only consequence, really, if the Comelec will not favor us is he will become an independent candidate,” ani Munsayac.