PORMAL nang inanunsyo ni Senador Manny Pacquiao na magreretiro na siya sa pagboboksing.
“It is difficult for me to accept that my time as a boxer is over. Today, I am announcing my retirement,” ani Pacquiao, 42, sa video na kanyang ipinost sa kanyang Facebook account.
“Chase your dreams, work hard, and watch what happens. Good bye boxing,” tweet naman niya.
Nagpasalamat naman siya sa lahat ng sumuporta sa kanya sa boksing.
Aniya, ito umano ang pinakamahirap na desisyon na ginawa niya.
“To the greatest fans and the greatest sport in the world, thank you! Thank you for all the wonderful memories. This is the hardest decision I’ve ever made, but I’m at peace with it.”
Kamakailan ay inanunsyo ni Pacquiao na tatakbo siya sa pagkapangulo sa darating na 2022 elections.