BINAKBAKAN ni Senador Manny Pacquiao ang gobyerno sa pag-handle nito sa problema na dala ng COVID-19 pandemic.
“Talagang mismanaged,” ganito inilarawan ni Pacquiao ang pandemic response ng gobyerno na siya namang ipinagtanggol kamakailan ni Presidential Spokesman Harry Roque kasabay ang pagbatikos nito sa grupo ng mga doktor sa gitna ng meeting ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
“Sa tingin ko hindi naman naresolba ang pandemya mas lalo pang lumala, pataas nang pataas ng mga cases ng infected [with] COVID. Talagang mismanaged, I’m sorry to say this but iyan ang nararamdaman ko,” ayon kay Pacquiao sa isang panayam sa radyo.
Naniniwala ang senador na dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang “massive vaccination” para mapababa ang bilang ng impeksyon.
“Dapat mag-focus tayo sa massive vaccination dahil yan po ang nakikita ko sa ibang bansa bakit sila nakakapagbalik to normal na ang pamumuhay nila dahil yung focus nila is to vaccinate the people,” ayon pa kay Pacquiao.