NIRATIPIKAHAN na ng Kongreso ang bicameral conference committee report kaugnay ng proposed P5.024 trilyong national budget para sa 2022.
Nangangahulugan ito na pirma na lamang ni Pangulong Duterte ang kailangan para tuluyang maging ganap na batas ang 2022 General Appropriations Act (GAA).
Sinabi ni Senator Sonny Angara, chairperson ng Senate finance committee at pinuno ng Senate contingent na prayoridad pa rin ng budget ang pagtugon ng gobyerno sa pandemya.
Kabilang sa inaprubahan ng bicameral conference committee ang P20 bilyon hanggang P30 bilyong karagdagang budget para sa Department of Health (DOH) para pondohan ang Special Risk Allowance (SRA) at iba pang benepisyo ng mga healthcare workers at pagbili ng mga booster shots para sa Covid-19 vaccines.