ISINULONG ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang P10,000 ayuda para sa 12.4 milyong Pinoy na apektado ng mataas na inflation, mababang pasahos at sunod-sunod na kalamidad.
“We join the Filipinos in urging the Marcos Jr. administration to urgently implement a P10,000 cash subisdy or ayuda to 12.4 million Filipino families who are heavily affected by the record-high inflation, depressed wages, and series of calamities,” sabi ni Brosas.
Idinagdag ni Brosas na sa kabila ng pagtaas ng mg bilihin, nananatili sa P570 ang arawang sahod ng mga manggagawa.
“Nananatiling P570 ang minimum wage sa NCR at hindi ito nakasasapat upang matugunan ang pangangailangan ng isang Pilipino, lalo na kung nasa ibang rehiyon ka kung saan mas mababa pa ang minimum wage,” dagdag ni Brosas.
Sinabi pa ni Brosas na maaaring kunin ang pondo para sa ayuda mula sa savings ng 2022.