PASADO na sa Kamara ang pagpapataw ng P100 excise tax sa single-use plastic bag.
Sa botong 255 laban sa tatlo, inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas hinggil sa single-use plastic bag na tutugon sa malaking problema sa plastic pollution.
Sa ilalim ng House Bill (HB) No. 4102 magpapataw ng P100 buwis sa kada isang kilo ng single-use plastic bag.
Sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda, pangunahing may-akda ng panukala na ikatlo ang Pilipinas sa pinakamalaking kontributor ng plastic pollution kung umaabot sa
2.7 milyon hanggang 5.5 millyong metric tons ng plastik ang itinatapon, kung saan 20 porsiyento nito ay napupunta sa mga karagatan.
Sa ilalim ng panukala, tataas ng apat na porsiyento ang buwis sa mga single-use plastic bag kada taon simula Enero 1, 2026.