Opposition unified bet malabo — Ping

IMPOSIBLE na magkaroon ng iisa lang na presidential bet ang oposisyon, ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson.

“I cannot see the possibility na matutuloy pa yung 1 unity ticket ng opposition,” ani Lacson na isa rin sa na unang nagdeklara ng kanyang presidential bid.

“It’s possible but very slim yung chance. Kung meron mang opening yung door, I think napakasikip na yung daraanang pinto,” dagdag ni Lacson.

Ayon sa senador, maghahain siya at ang kanyang running mate na si Senate President Vicente Sotto III ng kandidatura sa Oktubre 6.

“Let’s just wait for October 8 and even November 15, the last day of substitution kung ilan ba talaga ang formally o officially na candidate,” giit pa niya.