Ombudsman ‘hindi iimbestigahan’ si Sara

SINABI ni Ombudsman Samuel Martires ngayong Linggo na wala sa kanilang hurisdiksyon para imbestigahan si Vice President Sara Duterte hinggil sa banta nitong pagpatay kay Pangulong Bongbong Marcos.

Ginawa ni Martires ang pahayag matapos matanong tungkol sa sinabi ni Justice Undersecretary Jesse Andres na si Duterte “is not immune from suit and she can be subject of any criminal and administrative case” at ito ay base sa authority nito.

“To us in the Office of the Ombudsman, this is a misleading statement — a disinformation to the public — that the particular utterances of Vice President Sara Duterte na ipapatay ang presidente, asawa ng president, and speaker of the House ay parang sinasabi ni Andres na meron kaming jurisdiction to investigate administratively and criminally. This is disinformation because these utterances of the vice president are private in character, personal sa kanya so wala kaming jurisdiction doon,” ayon kay Martires sa panayam sa radyo.

Paliwanag nito, karaniwang iniimbestigahan ng aoMbudsman ay ang mga kasong may kinalaman sa paglabag sa Republic Act (RA) 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at mga paglabag sa Revised Penal Code na may kaugnayan sa RA 3019.

“We can also investigate offenses committed in relation to office. Dito sa particular threats na ito is this committed are these utterances in relation to the Office of the Vice President? Yun ang tanong don eh,” dagdag pa nito.

“May qualifier na kung sa opinion ni Usec. Andres meron kaming jurisdiction, pakiusap ko lang tumahimik ka para kami ang mag-take over sa investigation dahil kapag kami nag-imbestiga tahimik lang kami,” anya pa.

“Di kami nakikipag-away. Nasaktan lang kami parang pinangungunahan kami, parang disinformation, parang sinasabi sa publiko na merong power ang Ombudsman so dapat mag-imbestiga din sila tungkol sa sinabi ni Vice President,” paliwanag pa nito.