IPINALABAS ni Pangulong Bongbong Marcos ang Executive Order Number 11 na nagbabago sa istraktura ng Office of the President (OP) bilang bahagi ng streamlining ng pamahalaan.
Sa ilalim ng EO Number 11, tatawagin na lamang na Presidential Communications Office (PCO) ang Office of the Press Secretary.
Bukod sa PCO, kabilang sa limang pangunahing opisina sa ilalim ng OP, na direktang pangangasiwaan ng Pangulo ang Executive Office, Office of the Chief Presidential Legal Counsel (OCPLC), Private Office, at Office of the Special Assistant to the President (OSAP).
Pangangasiwaan ng Executive Office ang Presidential Management Staff (PMS).