HINIMOK ng National Telecommunications Commission (NTC) ang publiko na mag-register ng kanilang SIM card bago ang deadline upang maiwasang ma-void ang kanilng mobile numbers.
“Naghihintay ng deadline ang ating mga kababayan bago magregister. Kaya nakikiusap po tayo sa ating mga kababayan, pagbukas po sa Dec. 27 kung wala naman po tayong gagawin na importante mag register po tayo, wag na po natin intayin yung maalpit na deadline,” ayon kay NTC Consultant Edgardo Cabarrios.
Nakatakdang magsimula ang SIM card registeration sa Disyembre 27.
Inilabas ng NTC nitong Lunes ang Implementing Rules and Regulations (IRR) na namamahala sa batas sa pagpaparehistro ng SIM.
Ang lahat ng SIM ay dapat na nakarehistro 180 araw kasunod ng bisa ng batas.
Ngunit sinabi ni Cabarrios na maaaring pahabain ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang deadline kung kinakailangan.