New all-time low: Piso nagsara sa P59

PATULOY ang pagbababa ng halaga ng piso matapos itong magsara sa P59 kada isang dolyar.

Nagbukas ang kalakalan sa P58.75 kung saan umabot ang pinakamataas na halaga ng pisp sa P58.75 bago tuluyang magsara sa P59 kada dolyar.

Ito na ang pinakamababang halaga ng piso.

Nauna nang nagbabala ang mga eksperto na posibleng umabot pa ang halaga ng piso kontra dolyar sa P60 hanggang P65 sa harap ng banta ng recession sa buong mundo.