Neil Arce: Hindi tatakbo si Angel

NANINDIGAN ang mister ng aktres na si Angel Locsin, na si Neil Arce, na hindi tatakbo sa anumang posisyon ang kanyang misis sa darating na halalan.

Ito ang naging tugon ni Arce sa mga balita at espekuasyon na nagpaplanong tumakbo si Angel.

“To those who accused my wife of wanting to run this election just because she extended help to people in need, well, she’s sitting here in front of me watching TV while corrupt politicians are filing their COCs,” ayon sa negosyante at film producer na si Arce.

“What do you have to say for yourselves now?”

Marami ang naghinala na tatakbo ang aktres sa darating na halalan dahil sa mga ginagawang pagtulong nito at pagsusulong ng iba’t ibang adbokasiya para sa mga Pilipino.