Nang di-pansinin ni Carpio, Roque hinamon naman ng debate si Leni

HINAMON ng debate ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Vice President Leni Robredo kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).


“Kung gusto niya po. Isa rin siyang maingay, si VP Leni. Walang tigil sa pagpula kay Presidente,” sabi ni Roque.


Ginawa ni Roque ang challenge kay Robredo ilang araw matapos umurong si Pangulong Duterte sa hamon niyang debate kay retired Senior Associate Justice Antonio Carpio.


“Same topic po: Has the President’s independent foreign policy resulted in derogation of sovereignty or loss of territory?” ani Roque ukol sa magiging tema ng kanilang debate ni Robredo.