Nancy Binay: Duterte-Duterte pwede, e papatok naman kaya sa publiko?

NANINIWALA si Sen. Nancy Binay na posible ang Duterte-Duterte tandem sa 2022 elections, pero ibang usapan na umano kung mananalo ang mag-amang Pangulong Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.


“I guess ‘yung possibility is there, but ‘yung winnability is another question,” ani Binay sa isang panayam.


Samantala, hindi naman kontra ang senadora sakaling galing sa iisang pamilya ang dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.


“Sa akin, let’s leave it to the constituents,” aniya. “Ang call ko na lang is for us to have a clean and honest election na hindi madaan sa dayaan yung magiging panalo ng isang kandidato.”


Si Binay ay kapatid ni Makati Mayor Abby Binay at anak ni dating Vice President Jejomar Binay.