DALAWANG beses isinugod sa ospital ang abogadang si Zuleika Lopez, ang chief of staff ni Vice President Sara Duterte sa mahabang panahon at kanyang Undersecretay sa Office of the Vice President, Sabado dahil sa panic attack matapos isilbi sa kanya ang order na ililipat siya sa correctional sa Mandaluyong City.
Ayon kay Lopez matindi ang nararanasang niyang sakit sa likod at nangamba rin siya sa kanyang buhay sa ginawamg madaliang press conference.
Alas 3 ng madaling araw nang ilabas sa Batasan complex si Lopez kasama si Duterte sakay ng ambulansya at saka dinala sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Matapos ang ilang oras ay inilipat din si Lopez sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.
Hindi rin nagtagal ay mulig ibinalik si Lopez sa VMMC matapos isilbi ang panibagong order mula sa Kamara.