Moreno, Ong nakatakdang mag-file ng COC ngayong Lunes

NAKATAKDANG mag-file ng kani-kanilang Certificate of Candidacy ngayong Lunes ang mag-tandem na sina Manila Mayor Isko Moreno at running mate na si Dr. Willie Ong.

Sa isang pahayag nitong Linggo, sinabi ng kampo ni Moreno na gagawin ng dalawa ang filing ng kanilang COC kasabay nang paggunita sa pista ni Saint Francis of Assisi, na kapangalan ng alkalde na ang tunay na pangalan ay Francisco Domagoso.

Ito rin ang araw ng kapanganakan ng yumaong German Moreno na siyang nagbigay ng “break” sa alkalde para makapasok sa industriya ng showbiz. Ang screen name na Isko Moreno ay galing sa yumaong host ng “That’s Entertainment.”