Mister ni Dawn, itinalagang special aide ni Bongbong

MAKAKASAMA sa Malacanang ni President-elect Bongbong Marcos ang long-time friend niyang si dating Davao del Norte Rep. Anton Lagdameo bilang kanyang Special Assistant to the President.

Ayon kay Marcos, magiging madali para kay Lagdameo ang posisyon dahil matagal na silang magkaibigan at magkatrabaho at kilala na siya ng mambabatas.

“It’s a very sensitive and very important in a sense that we have worked, known each other since he was a child, since he was young. He knows me very well,” ayon kay Marcos.

Sa kanyang Carmen, Davao del Norte sortie noong Marso 30, tinukoy ni Marcos si Lagdameo bilang isang taong nakatrabaho niya sa “maraming proyekto.”

Si Lagdameo ang mister ng aktres na si Dawn Zulueta.