Mike Defensor hahamunin si Joy Belmonte sa QC

HAHAMUNIN ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang incumbent mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte sa darating na 2022 elections.

Naghain na ng kanyang certificate of candidacy si Defensor Huwebes ng umaga kasama ang running mate at vice mayoral bet na si Quezon City Rep. Winnie Castelo.

Nauna nang nag-file ng kanyang COC si Belmonte na sasabak sa reelection para sa ikalawang termino.

Si Defensor na dating konsehal at kongresista ng lungsod ay tatakbo sa ilalim ng lokal na partido na Malayang Quezon City.