NANINIWALA si Senador Grace Poe na hindi sapat na dahilan na nakapagdadala ng malaking kita sa Pilipinas ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (Pogos) para manatili ang mga ito sa bansa.
Ayon kay Poe, dapat isaalang-alang din ang mga negatibong epekto na naidudulot sa buong bansa dahil sa operasyon ng mga Pogos.
Sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on crimes, sinabi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na umaabot sa bilyong piso ang naiuuwing revenue ng operasyon ng mga Pogos sa bansa. Ang pinakamataas na naitala ay P6 bilyon noong 2018.
Pero ayon kay Poe, hindi dapat kita lang ang dapat ikinukonsidera sa pagpayag ng pamahalaan sa pagpapanatili ng mga Pogos sa bansa.
“This is a good point to study. So we make P6 billion for Pogos, but the reputation of the country is also affected. [So] P6 billion is not enough to justify hosting them here,” ani Poe.
“I mean, it’s good for some but 6 billion, but at what cost for our country?” dagdag pa ng senador.