ISINUSULONG ni retired Supreme Court associate justice Antonio Carpio ang pagkakaroon ng Martial Law education dahil malaking bahagi ito ng kasaysayan.
Sa isang press briefing, sinabi ni Carpio na kailangang maging bahagi ito ng curriculum sa eskwelahan.
“That should be made part of the curriculum in grade school, high school and college because that’s part of our history, a very important part of our history,” ayon kay Carpio, kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Edsa Revolution.
Sinabi naman ni Fr. Albert Alejo na mayroong pagkukulang sa pagtuturo ng martial law sa nga eskwelahan.
“Dapat noong panahon na iyon, ‘di sana nag-sponsor ng mga historians, ng mga textbook writers. May pagkukulang,” aniya ni Alejo.
Sina Carpio at Alejo ay convenor oposisyon na 1Sambayan.
Samantala, sinabi naman ni economist JC Punongbayan na kailangang i-reintroduce sa mga high school students ang Martial Law.
Dagdag ni Punongbayan na sa talamak na disinformation sa social media, maaaring malantad ang mga nakababatang Pilipino sa mga maling salaysay na nakapaligid sa diktadura.