SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tuloy ang state visit ni Pangulong Bongbong Marcos sa China mula Enero 3 hanggang 5, 2023 sa kabila nang patuloy na pagdami ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa naturang bansa.
Sinabi ni DFA Assistant Secretary for Asian and Pacific Affairs Nathaniel Imperial ang pagbisita ni Marcos ay batay na rin sa imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping.
“Ang ating ugnayang panlabas sa China ay napakaimportante and we have received assurances from our Chinese host that all arrangements are being made to ensure the safety of the President and the delegation during the visit,” sabi ni Imperial.
Idinagdag ni Imperial na napagkasunduan ang “bubble arrangement” para maiwasan na mahawa si Marcos sa COVID-1o.
Kasama ni Marcos sa kanyang delegasyon sina First Lady Liza Araneta-Marcos, dating pangulo at Pampanga Rep. President Gloria Macapagal-Arroyo, House Speaker Martin Romualdez, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade Secretary Alfredo Pascual, Tourism Secretary Christina Frasco, Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy at iba pang miyembro ng Gabinete.
Tinatayang milyong-milyong Chinese ang tinamaan ng B.7 subvariant araw-araw sa China.