Marcos sa pag-ayaw ni Sara sa bagong Cabinet post: That’s her decision

WALA anya siyang magagawa kung ayaw nang humawak pa ng anumang Cabinet position si Vice President at dating Education Secretary Sara Duterte.

“Eh, that’s her decision,” sagot ni Pangulong Ferdinand Marcos sa isang ambush interview sa Apayao hinggil sa tanong na hindi na interesado si Duterte na lumahok sa kanyang Gabinete.

READ MORE HERE: https://pinoypubliko.com/politics/vp-sara-di-type-ng-ibang-cabinet-position-resignation-hindi-si-first-lady-ang-dahilan/

Nagbitiw si Duterte bilang DepEd secretary na epektibo ngayong Biyernes, Hulyo 19.

Pinalitan siya ni Senador Sonny Angara.

Sinabi rin ni Duterte na hindi siya dadalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Marcos sa Lunes, Hulyo 22.