KINONTRA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na umabot sa 6.1 porsiyento ang inflation rate sa bansa noong Hunyo 2022.
“I think I will have to disagree with that number. We are not that high. We have crossed the — our targets were less four percent or less,” giit ni Marcos.
Aniya, nagmumula ang pagtaas ng mga bilihin sa mga inaangkat na produkto.
“Much of our inflation is actually imported inflation. It is imported because it is the inflation on the products that have suffered inflation that we import. So sumama na ‘yung inflation nila doon sa atin,” aniya.