NAGTAGPO ang dating magkalaban na sina Pangulong Bongbong Marcos at dating Vice President Leni Robredo sa isang pagtitipon sa Sorsogon nitong Huwebes.
Kitang-kita sa video ang pagkikita at pagkakamayan ng dalawa sa holding area ng Sorsogon Sports Arena para dumalo sa ika-50 taon na pagdiriwang ng Kasanggayahan Festival.
Kasama ni Robredo si dating Senador Bam Aquino.
Ayon kay Senate President Chiz Escudero, inimbitahan niya si Robredo para siyang mag-welcome sa pangulo bilang kinatawan ng Bicol region.
Nagsilbing gobernador si Escudero ng Sorsogon noong 2019 hanggang 2022.
Matatandaan na tinalo ni Robredo si Marcos noong 2016 sa pagkabise presidente at nitong 2022 presidential elections, tinalo naman ni Marcos ang dating bise presidente.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ang dalawa na magkasama matapos ang 2022 presidential elections.