Marcos proud kay Sara: ‘She will do a great job’

TIWALA si President-elect Bongbong Marcos na magiging mahusay na bise presidente ang bagong kakapanumpang pangalawang pangulo na si Sara Duterte.

Ayon kay Marcos, na personal na sinaksihan ang oath-taking ng kanyang running mate nitong nakaraang halalan, na sobrang proud siya sa outgoing Davao City mayor.

“I am so proud of her. She’s gonna be great. She will do a great job. I know it,” ayon kay Marcos sa isang ambush interview.

Uupo rin bilang kalihim ng Department of Education si Duterte sa ilalim ng Marcos Cabinet.