SINABI ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi maaaring gamitin ang pondo ng government-owned-and controlled corporations (GOCCs) para sa panukalang pagtatayo ng Maharlika Wealth Fund.
“You cannot use funds of the GOCC, pera ng gobyerno ‘yun. What will the government spend? It was a proposal. It’s not something that we have adopted,” sabi ni Marcos.
Idinagdag ni Marcos na maging si Finance Secretary Benjamin Diokno ay tutol sa panukala na naunang sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda.
“But after the meeting, I pulled Secretary Ben Diokno aside and I said, ‘What do you think?’ Sabi niya, ‘Hindi yata puwede.’ And I said, ‘It’s too disruptive,'” dagdag ni Marcos kaugnay ng pag-uusap nila Diokno sa Davos, Switzerland.
Nanawagan siya sa Senado na pag-aralang mabuti ang panukala.