NAKATAKDANG bumalik sa Pilipinas si Pangulong Bongbong Marcos matapos ang kanyang biyahe sa New York.
Sa huling araw ng kanyang pananatili sa Amerika, nagtalumpati si Marcos sa mga miyembro ng Asia Society.
“I’ve been asked what is the absolute end result that we are hoping to achieve, and it’s very simple for me, not one more hungry Filipino,” sabi ni Marcos.
Bago pa magsalita si Marcos, binulabog muna ng mga militanteng grupo ng mga Filipino-Americans ang Asia Society headquarters at sinalubong ng protesta ang pangulo.
Kumain din si Marcos at mga kasamang delegado sa food truck na nagbebenta ng mga pagkaing Pinoy.